Start ’em Young: Paano hinuhubog ng pagbabasa ang kabataan?

Shean Jeryza Alibin
4 Min Read

Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, parami nang parami ang mga batang mababa sa edad na sampu ang pinapagamit na ng gadgets katulad ng cellphone, tablet, at laptop bilang libangan o edukasyon—karaniwan para sa panonood ng nursery rhymes, interactive games, at online learning videos.

Kadalasang ito ay pinahihintulutan ng mga ‘career-focused’ na magulang bilang paraan ng pagtutok sa kanilang trabaho habang pinananatiling abala ang anak.

Ngunit ayon sa mga eksperto, ang pagbabasa ng printed children’s books ay mas epektibo sa pagkatuto at mas angkop sa developmental needs ng bata kumpara sa matagal na exposure sa gadgets. Ang ganitong paraan ng pagkatuto ay hindi lamang mas ligtas sa utak ng bata kundi mas nakatutulong din sa paghasa ng kanilang wika, imahinasyon, at empatiya—mga kasanayang hindi agad naibibigay ng screen-based learning.

Mga Benepisyo ng Pagbabasa

  1. Cognitive development. Batay sa mga pagaaral, ang pagbabasa ng printed children’s books ay mahalaga para sa mga bata dahil hinahasa nito ang kanilang memorya, problem-solving, attention, at decision-making skills.
  2. Background knowledge. Ayon sa HealthofChildren.com, kapag binabasahan ng libro ang bata, nagkakaroon sila ng background knowledge na tumutulong upang mas maunawaan ang kanilang nakikita, naririnig, at nababasa.
  3. Ini-uugnay ang binabasa sa tunay na buhay. Sa isang position statement ng International Reading Association (IRA) with the National Association for the Education of Young Children (NAEYC), natututo ang bata na iugnay ang mga kwentong nababasa sa kanilang sariling karanasan, na mahalaga sa kanilang emotional at social development.
  4. Early brain activation. Sa isang brain scan study na iniulat ng TIME.com,  ang pagbabasa sa murang edad ay nakakapag-stimulate ng isip ng isang bata. Ina-activate nito ang visual processing at mental imagery ng kanilang utak at ini-improve ang kanilang pag-unawa sa wika at imahinasyon. 
  5. Mas ligtas at mas angkop sa developmental stage ng bata. Minumungkahi rin ng UNESCO na mas mainam na ipakilala ang mga bata sa engaging na pagbabasa ng printed children’s books kaysa sa paggamit ng gadgets. Ang labis na screen exposure ay nakakaapekto sa kanilang atensyon at nagpapahina ng impulse control, 
  6. Pinalalalim ang social interaction. Hindi gaya ng gadgets, ang pagbabasa ay nagpo-promote ng face-to-face interactions at empathy development sa mga bata na mahalaga sa pag-develop ng kanilang social skills.

Kahalagahan ng Pagpapakilala ng Kultura gamit ang Libro

  1. Hinuhubog ang kaisipan at pag-uugali. Base sa isang ulat mula sa ChildCareEd, ang pagpapakilala at pagtanim ng isang kultura sa isipan ng isang bata ay humuhubog sa pag-develop ng wika, emotional expression, socialization, at pagbuo ng pagkakakilanlan o identity ng mga bata. 
  2. Pinalalalim nito ang pagkakakilanlan o identity. Mas pinalalalim ng pagbabasa ang prosesong racial-ethnic socialization (RES)—ang pagkatuto ng mga bata tungkol sa kanilang lahi at kultura—kabilang ang mga tradisyon, kasaysayan, halaga, at panlipunang karanasan ng kanilang etniko o lahing kinabibilangan. 
  3. Nagbibigay ito ng representasyon sa mga kwento. Nakatutulong ang pagbabasa upang maramdaman ng mga bata na sila ay kinakatawan sa mga kwento, lalo na kung makikita nila ang kanilang sarili sa mga karakter. 
  4. Tinuturuan silang pahalagahan ang pagkakaiba-iba. Ayon sa article ng World of Reading na How Bilingual Books Encourage Empathy and Global Awareness in Children (2025), natututo ang bata na respetuhin ang iba’t ibang pananaw at paraan ng pamumuhay sa pamamagitan ng mga kwento mula sa iba’t ibang kultura.
  5. Ipinaghahanda ang mga bata para sa global na mundo. Pinapahusay ng bilingual books ang kakayahan ng mga bata sa problem-solving, memorya, at pagkamalikhain. Sa ganitong paraan, tumutulong ang mga aklat na ito sa paghubog ng mas mapanuri, maunawain, at makataong mamamayan sa isang globalisadong mundo.
Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply