Ipinatupad ang Wage Order No. NCR-25 na nagtaas ng ₱35 kada araw sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Sa Metro Manila, umabot na sa ₱645 ang minimum wage—pinakamataas sa bansa—samantalang nasa ₱400–₱420 lamang ito sa karamihan ng ibang rehiyon.
Alinsunod sa Republic Act 8188, may kaakibat na parusa ang hindi pagsunod sa pagtaas ng sahod. Maaari silang magmulta ng P25,000 hanggang P100,000 at/o pagkakakulong ng 2 hanggang 4 na taon.
‘Hindi sapat’
Kasabay ng mahigit 5 milyong Pilipinong nagpapasalamat sa dagdag pasahod, marami pa rin ang bumabatikos dito.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang minimum na sahod upang maabot ng isang pamilya ang kanilang pangunahing pangangailangan ay ₱452.
Subalit nayroong mga labor groups na nagsasabing hindi pa ito sapat kumpara sa tinatawag na family living wage na P1,200, o upang mamuhay nang disente at maginhawa.
“Nananatiling napakalaki pa rin ng agwat ng P645 minimum wage sa family living wage na P1,200 kada araw. Pampapogi lang ni Marcos ang kakarampot na wage hike na ito,” said Bayan Secretary General Renato Reyes Jr.
Sahod sa Bawat Rehiyon
Ayon sa datos ng Department of Labor and Employment, ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na minimum wage sa bansa na nasa ₱645 kada araw. Sa kabila nito, maraming rehiyon sa labas ng NCR ang may malayong agwat sa pasahod.
Region-4A, o CALABARZON na ang pinakamalapit sa sahod ng NCR na may ₱420.71, ngunit mahigit ₱200 pa rin ang layo nito. Maliban sa CALABARZON, ang mga natitirang rehiyon ay naglalaro na lang ang minimum wage mula sa ₱400 hanggang sa ₱404.
Kapansin-pansin na malaki ang layo ng pasahod sa NCR at sa ibang rehiyon. Kaya naman marami ang pumuna rito.
“Hindi po kasali diyan ang Region 10 [sa labis na pagtaas] at ang ibang mga rehiyon sa Pilipinas, kaya dapat lamang na ang P150 legislated wage recovery nationwide ay ipasa na,” ani union president Joel Tongco ng Macalajar Labor Union-FFW.
NCR wage rate
Binago ng Wage Order 2024 ang daily wage rate ng mga rehiyon kung saan ang National Capital Region ay naging ₱645 mula sa dating ₱610, subalit hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng malaking pagbabago sa sahod ng mga mangagagawa.
Noong 2016, ₱491 pa lamang ang minumum wage, at paglipas ng panahon, magkaroon ito ng mga dagdag sahod, kagaya ng ₱25-increase noong 2017.
Samantalang mula 2018 hanggang 2021, nanatiling ₱537 ang minimum wage rate ng mga nagtatrabaho sa NCR, nagdagdagan na lamang ito noong 2022 at naging ₱570.