Dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng dengue, nagbabala ang Department of Health (DOH) na maging maingat at patatagin pa ang mga local campaigns laban sa Dengue, katulad ng ‘Alas Kwatro Kontra Mosquito.’
Nagdeklara naman ang pamahalaan ng Quezon City ng ‘Dengue Outbreak’ sa lungsod noong Pebrero 15, 2025, simula nang tumaas ang kaso ng nagkakasakit at namamatay dahil sa dengue.
Ayon sa datos ng DOH, mahigit 19,000 kaso ang naitala sa Metro Manila mula Enero hanggang May 2025, 224% ang taas nito kumpara noong 2024.
Sa buong Pilipinas, mayroon namang 437 na namatay dahil sa dengue kung saan kadalasan ay mga batang may edad lima hanggang siyam.
Ang dengue ay isang sakit dulot ng virus na nakukuha mula sa kagat ng lamok (Aedes aegypti).
Naitatalang 100-400 milyong kaso ng dengue ang nangyayari kada taon na nakaaapekto sa iba’t ibang panig ng mundo, ayon sa datos ng World Health Organization (WHO).
Kadalasan, ang pagkalat ng dengue ay pangkaraniwan sa mga bansang may ‘tropikal at sub-tropikal’ na klima, pati na rin sa mga urban na lugar.
Batay sa ulat ng Centre of Health Protection, mayroong 4 na klase ng virus na dengue, DENV-1, DENV-2, DENV-3, and DENV-4, at ang bawat isa ay maaaring magdulot ng lagnat (dengue fever).
Samantala, kung malubha ang epekto nito, maaari itong mauwi sa kamatayaan kung hindi naagapan, ayon kay DOH Public Health Services Cluster Assistant Secretary Farwa Hombre.
Dengue Endemic?
Mula sa mga tala ng WHO, noong 2023, naitala ang pinakamaraming kaso ng dengue kung saan apekto ang mahigit 80 bansa. Nagkaroon ng hindi inaasahang pagkalat ng dengue na umabot sa 6.5 milyong kaso at 7,300 na pagkamatay kaugnay ng dengue.
Ang WHO region ng Amerika ay mayroong 4.5 milyong kaso at may 2,300 pagkamatay dahil sa dengue. Samantalang sa Asya naman, nagkaroon din ng mataas na naitalang kaso, kabila ang: Bangladesh (321,000), Malaysia (111,400), Thailand (150,000), at Vietnam (369,000)
Possibleng sintomas
Mayroong mga may dengue subalit ‘mild’ lamang ang sintomas na nararanasan nila.
Sa mga ganitong kaso, ang taong may denge ay gumagaling na matapos ang 1-2 linggo. Karaniwang nararamdaman ang sintomas 4-10 araw pagkatapos ng impeksiyon at nagtatagal ito ng 2-7 araw.
Ayon sa WHO, kabilang sa mga maaaring maramdaman na sintomas ng dengue ay:
- Pagtaas ng lagnat (40°C/104°F)
- Matinding pananakit ng ulo
- Pananakit sa laman at kasu-kasuan
- Kawalan ng ganang kumain
- Pagduduwal
- Pamamantal sa balat (rashes)
Paano magagamot?
Kasalukuyang wala pang bakuna upang labanan ang dengue. Ang pinakamainam na paraan na ginagamit ng mga dalubhasa sa medisina ay gamutin ang mga nararamdamang sintomas hanggang sa mawala ang mga ito.
Ayon sa Centre for Diseases Control and Prevention, ang ilang kaso ng lagnat na dala ng dengue ay kayang gamutin sa bahay gamit ang mga ‘pain medicine,’ katulad ng acetaminophen (paracetamol) at anti-inflammatory drugs (e.g. ibuprofen at aspirin).
Ngunit kung malubha ang nararamdaman ng taong tinamaan ng dengue, kinakailangan itong dalhin sa ospital upang suriin nang mas malalim ang mga posibleng naapektuhan sa kaniyang sistema.
Mga dapat gawin upang maiwasan ang pagkalat ng sakit
Batay sa WHO, ang mga lamok na nagdadala at nagkakalat ng dengue ay mas aktibo tuwing umaga.
Mas maiiwasan ang pagkakaroon ng dengue kung poprotektahan ang sarili sa pamamagitan ng:
- Pagsusuot ng mga damit na may mahabang manggas at pantalon.
- Paglalagay ng pamahid laban sa lamok na naglalaman ng DEET, Picaridin, or IR3535 sa mga bahagi ng katawan na hindi natatakpan.
- Paggamit ng kulambo o screen sa mga kuwartong walang aircon.
- Paglalagay ng katol o kahit anong pamatay ng lamok (spray).
- Maaaring maiwasan ang pagdami pa ng mga lamok sa pamamagitan ng:
- Pag-iwas sa pag-iimbak ng tubig.
- Pagtatapon ng lahat ng lata at bote sa basurahang may takip.
- Ugaliang pagpapalit nng tubig sa halaman nang higit sa isang beses sa loob ng isang linggo.
- Hindi pag-iwan ng tubig sa mga plato sa ilalim ng paso ng halaman.
- Pagtakip nang maiigi sa mga sisidlan ng tubig, balon at tangke.