CHILL KA LANG: Nilalamig ka na ba ngayong Amihan Season?

Assortedge Media
3 Min Read

Pumapatak ang ‘winter season’ sa ilang kanluraning bansang may apat na seasons tulad ng United States at Canada tuwing ‘Ber’ months kung saan mararanasan ang pagkakaroon ng nyebe at malamig na temperatura.

Walang winter sa Pilipinas sapagkat dalawa lamang ang pangunahing panahon dito: rainy season—mula Hunyo hanggang Nobyembre, at dry season—mula Disyembre hanggang Mayo.

Subalit mapapansin na kahit walang winter sa Pilipinas, malamig pa rin ang hangin kapag nalalapit na ang ‘Ber’ months bunsod ng hanging Amihan na siya ring dahilan ng dry season ng bansa.

Ano nga ba ang Amihan?

Tumutukoy ang Hanging Amihan, kilala rin bilang Northeast Monsoon, bilang phenomenon na nagdadala ng malamig na temperatura dahil sa trade winds.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA), kadalasang nararanasan ng Pilipinas ang Amihan kada katapusan ng buwan ng Nobyembre hanggang Abril.

Sa Pilipinas, mas malamig at tuyo ang hanging dala ng Amihan kaya bihira lamang ang pag-ulan, subalit nagiging maulan lang ang panahon dahil sa heyograpikal na lokasyon ng bansa, taunang pagbabago ng ihip ng hangin, at oceanic conditions.

Mga lugar na apektado ng Amihan

Batay sa ulat ng PAG-ASA, inaasahan na maapektuhan ng Amihan ang ilang bahagi ng Pilipinas.

Sa Batanes at Babuyan Islands, makararanas ng maulap na himpapawid na may mahihinang pag-ulan.

Bahagyang maulap naman na kalangitan na may paunti-unting pag-ulan ang aasahan sa bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makararanas din ng bahagyang maulap na may isolated rain showers o thunderstorms. Samantalang sa Mindanao, kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat dulot naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang maaaring maramdaman.

Health effects ng Amihan Season

Inanunsiyo ng Department of Health ang maaaring pagtaas ng maitatalang kaso ng mga respiratory infections, kasama ang COVID-19, dahil sa mas malamig na panahong dala ng Amihan.

May mga konsiderasyon na dapat isaalang-alang upang mapangalagaan ang kalusugan at maiwasan ang mga sakit.

Kabilang na rito ang seasonal allergies na madaling ma-trigger ng Amihan ang ilang allergies, pangkaraniwan dito ang mold, ragweed, at dust mites ay maaaring magdulot ng mga matinding sintomas.

Kasama na rin ang bronchitis at pneumonia sa mga sakit naman maaaring lumalangayong malamig na panahon, lalo na sa mga indibidwal na may COPD (chronic obstructive pulmonary disease).

Karagdagan din ang seasonal flu, kagaya ng influenza na isa sa karaniwang sakit sa malamig na panahon na kadalasang nagsisimula sa Oktubre at dumarami ang kaso ng pagkakasakit tuwing Disyembre at Marso.

Share This Article
Leave a Comment

Leave a Reply