SA NGALAN NG PAG-IBIG? Mga red flags na kailangan iwasan sa isang relasyon

“Minsan kahit gaano mo kamahal, kailangan mong lumayo kung paulit-ulit kang nasasaktan.”

Cyree Elisha Pamplona
6 Min Read

Sa panahon ngayon, hindi na sapat ang “mahal ka niya.” Kasi minsan, ‘yung akala mong pagmamahal, panakip lang pala sa kontrol, panloloko, at manipulasyon. Kaya bago ka pa masaktan nang todo, buksan ang mata — kasi hindi lahat ng effort ay healthy, at hindi lahat ng “sweet” ay tunay.

Kahit gaano pa kasarap sa pakiramdam ang mainlove, mahalagang tandaan na hindi lahat ng maganda ay tama. Ang tunay na pag-ibig ay dapat masaya, pero dapat din itong maging ligtas, malinaw, at parehas. Huwag hayaang matakpan ng kilig ang mga red flag na unti-unting sumisira sa ‘yo. Love is good, but not when it costs your peace.

Narito ang red flags na dapat mong bantayan sa isang relasyon; ang mga senyales na kahit gaano pa siya ka-sweet o ka-effort, maaaring hindi na ito pagmamahal kundi nalalabag na ang iyong dignidad. Kilalanin ang mga senyales—baka hindi pag-ibig ang nararanasan mo, kundi pag-abuso na.

  1. Controlling behavior – “’Wag ka magdamit ng ganyan.”

‘Yung palaging ikaw ang may mali at hindi niya na inaamin ang sarili niyang pagkakamali? Gaslighting ‘yan. Base sa isang blog, isa ito sa pinakakaraniwang anyo ng psychological abuse—ginugulo ang perception mo para mawalan ka ng tiwala sa sarili mo.

Manipulation comes in many forms: guilt-tripping, silent treatment, ultimatums, at minsan pa nga ay pagbabanta ng pag-alis. Batay sa Somerset Domestic Abuse, ang nakakapanliit at pressure tactics ay ginagawa para kontrolin ang partner. Kung madalas mong marinig sa sarili mong, “Ako nga ba talaga ang mali?” — dapat ka nang magduda.

  1. Emotional manipulation – “Sige, ako na naman ang masama.”

Ayon sa isang pag-aaral sa ResearchGate, ang emotional distance ay isa sa mga pangunahing relational red flags sa mga kabataang Pilipino. Kapag palaging sarado ang damdamin niya at hindi marunong makipag-usap, naiipon ang hindi pagkakaintindihan.

Ang relasyon ay partnership, hindi hulaan. Kung hindi siya marunong makinig o ayaw niyang pag-usapan ang problema, baka hindi niya pa kaya ang mature na relasyon. Ang Resilience Lab ay nagsabi na ang open communication ay mahalaga sa healthy boundaries—kung wala nito, mabilis masira ang emotional balance ninyong dalawa.

  1. Lack of communication – “Okay lang ako,” pero hindi naman pala.

Communication is key, ika nga nila. Pero paano kung palaging nakakandado ang pinto ng damdamin niya? Mahirap ‘yan, lalo na kung ikaw lang ang laging nagsasalita, nagpapaliwanag, at nag-aadjust. Kung puro “okay lang” pero halatang hindi naman, hindi kayo uusad. Walang forever sa guessing game.

Ang relasyon ay partnership, hindi hulaan. Kung hindi siya marunong makinig o ayaw niyang pag-usapan ang problema, baka hindi niya pa kaya ang mature na relasyon. Hindi mo trabaho ang hulaan ang nararamdaman niya palagi. Emotional availability is also significant.

  1. Overwhelming jealousy – “Sino ‘yang nag-react sa story mo?”

Jealousy, kapag sobra, hindi na nakakakilig – nakakasakal na. Hindi mo kailangang mamuhay na parang may CCTV sa likod mo. ‘Yung konting like lang sa post mo, nagtatanong na agad kung sino, anong meron, o kung may gusto ba sa’yo. Hindi healthy ‘yan. Trust is essential.

Jealousy is normal, pero kapag hindi napo-process nang maayos, nagiging toxic. Lalo na kung nauuwi sa pagdududa, pagbawalan kang makipagkaibigan, o pagbibintangan ka kahit walang basis. Ayon sa Dating News, halos 87% ng mga tao ang nagsabing nakararanas sila ng selos sa kanilang relasyon, kahit paminsan-minsan. Ang tiwala, hindi hinihingi; ibinibigay ito nang kusa sa taong mahal mo.

  1. Love bombing – “Ikaw na ang mundo ko.”

Sa simula, parang fairytale. Puno ng compliments, surprise gifts, at sweet messages araw-araw. Pero pagkatapos ng honeymoon phase, biglang nagiging demanding, controlling, o cold. Love bombing ‘yan — overwhelming affection na ginagamit para makuha ang loob mo agad, tapos sa huli, mamanipulahin ka lang din naman.

Hindi masama ang pagiging sweet, pero kung masyado kang binobomba ng atensyon at paghahangad ng, isa na itong malaking red flag. Hindi mo kailangang malunod sa damdamin para lang masabing totoo.

Hindi ito ‘just drama’—ito’y realidad. Ayon sa 2022 National Demographic and Health Survey, 17.5% ng kababaihang Pilipina edad 15-49 ay nakaranas ng physical, sexual, o emotional violence mula sa kanilang kabiyak. Noong 2021, mahigit 8,000 kaso ng physical violence, 1,791 na kaso ng rape, at 1,505 na acts of lasciviousness ang naiulat. Ngunit higit pa sa mga bilang ang hindi nagsasalita—41% ng mga biktima ay pinipiling manahimik.

Ang ganitong karahasan ay hindi lang pisikal. Mula sa gaslighting, pagseselos, pangmamaliit, hanggang sa pagkontrol ng bawat kilos mo—lahat ng ito ay anyo ng pang-aabuso. Sa Pilipinas, pangkaraniwan na ang mga relasyong puno ng emotional labor, manipulasyon, at panlilinlang, na kadalasang itinatago sa ngalan ng “pagmamahal.”

Kaya sa dulo ng lahat, tanungin mo ang sarili mo: pagmamahal ba talaga ‘to, o paglimos ng respeto? Ang pag-ibig na totoo ay hindi kailanman mag-iiwan ng sugat sa iyong puso, isipan, at pagkatao. Piliin mong mahalin ang sarili mo nang sapat para hindi manatili sa relasyong unti-unting lumulunod sa ‘yo. Dahil sa ngalan ng pag-ibig, dapat ikaw rin ay pinipili, hindi sinasaktan.

Share This Article
Cyree is a campus journalist and student researcher passionate about media literacy, press freedom, and youth engagement in politics. A 2nd placer in the National Schools Press Conference, she writes fact-checks, columns, news, and features that spotlight underrepresented voices. Outside the newsroom, she enjoys curating playlists, binge-watching series, and sipping iced matcha lattés while filming random TikToks.
Leave a Comment

Leave a Reply